--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinasakamay ng Department of Environment and Natural Resources sa mga benepisyaryo ng kanilang Handog Titulo Program ang ilang titulo ng lupa sa Lungsod ng Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang naturang programa ay bahagi ng Caravan Bagong Pilipinas Cum kung saan pinagunahan naman ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region 2 ang awarding nito.

Umabot sa siyamnapu’t dalawang titulo ng lupa at pitumpu na certificate of stewardship ang naipasakamay sa mga benepisyaryo.

Maliban dito ay namahagi din sila ng mga punla at punong-kahoy, information materials at konsultasyong legal patungkol sa usapin ng lupa.

--Ads--

Nanawagan naman si Regional Director Bambalan na magka-isa sa pag-protekta ng kalikasan para sa bagong henerasyon.