--Ads--

Inihayag ni US President Donald Trump na maaaring matapos ang labanan sa Middle East sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo at hindi na kailangan ng pormal na kasunduan upang huminto ang mga operasyon ng militar.

Nagpapatuloy ang hidwaan na nasa panglimang linggo na na nagdulot ng malaking epekto sa rehiyon at sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.

Kasabay nito, iniulat na isang Iranian drone attack ang tumama sa mga fuel tanks sa Kuwait International Airport, na nagdulot ng malaking sunog. Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi. Ang insidenteng ito ay bahagi ng patuloy na tensiyon sa Gulf region at nagpapakita ng epekto ng labanan sa mga kritikal na estruktura sa rehiyon.

Sa ibang bahagi ng Middle East, nagkaroon din ng mga insidente ng drone at missile strikes na nakapinsala sa iba pang pasilidad, na nagpalala sa mga pangamba tungkol sa seguridad at sa suplay ng langis sa buong mundo.

--Ads--