--Ads--

Sinisiyasat ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang gaming at chat history ng junior high school student na namaril sa Ateneo de Zamboanga University upang matukoy ang posibleng motibo sa insidente na ikinasawi ng dalawang katao.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, tinitingnan din ang online activities ng shooter, kabilang ang umano’y pagli-livestream nito habang isinasagawa ang pamamaril bago ito nagpakamatay.

Batay sa pulisya, dalawang baril ang dinala ng shooter sa loob ng paaralan at natagpuan sa kanyang bag ang isang ammunition magazine.

Samantala, nanawagan ang mga senador ng masusing imbestigasyon, partikular sa pagkuha at pagpasok ng mga baril sa paaralan. Sinusuri rin ang posibleng ugnayan ng insidente sa violent extremism, online grooming at iba pang online communities.

--Ads--

Iminungkahi ng mga mambabatas ang pagpapalakas ng school security, mas maagang pagtukoy sa warning signs, psychosocial support para sa mga estudyante at mas mahigpit na regulasyon sa pagmamay-ari ng baril.

Patuloy naman ang pagsusuri sa CCTV footage at iba pang ebidensya upang matukoy ang buong pangyayari at maiwasan ang pag-uulit ng ganitong insidente.

Pinapayuhan din ang lahat na huwag nang ikalat o i-repost ang screen video recordings ng live at ang mga larawan ng nasabing shooting incident.