--Ads--

Hihiling ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Interpol Red Notice laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kasunod ng pag-isyu ng arrest warrant laban sa kanya.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, makikipag-ugnayan siya sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) upang matukoy ang kinaroroonan ni Leviste at makatulong sa kanyang pag-aresto.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na kasalukuyang nasa Germany si Leviste.

Sinabi ni Remulla na kanilang a-applyan sa PCTC ang Red Notice upang matulungan ang mga awtoridad sa pagtukoy at pag-aresto kay Leviste.

--Ads--

Noong Oktubre 5, naglabas ang Makati Regional Trial Court Branch 235 ng arrest warrant laban kay Leviste kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 25 ng Public Service Act.

Nagtakda ang korte ng piyansang nagkakahalaga ng P72,000.

Hinimok naman ni Remulla si Leviste na umuwi sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya. Aniya, wala umanong mapapala ang sinumang nagtatago sa halip na harapin ang mga kaso.