--Ads--

Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Jonvic Remulla na hindi pa aprubado o tuluyang tinanggihan ang asylum application ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa Austria.

Aminado si Remulla na mali ang nauna niyang pahayag na na-deny na ang asylum bid ni Roque. Aniya, karaniwang umaabot sa anim na buwan ang pagproseso ng asylum application ngunit siyam na buwan na umano ang lumipas mula nang magsumite ng aplikasyon si Roque at hanggang ngayon ay wala pang pinal na desisyon.

Iginiit ni Remulla na sa ilalim ng batas, wala pa ring asylum status si Roque habang wala pang desisyon sa kanyang aplikasyon.

Samantala, kinumpirma rin ng Philippine Center on Transnational Crime o PCTC na naisumite na nito sa Interpol ang lahat ng kinakailangang dokumento kaugnay ng kahilingan ng Pilipinas para sa paglalabas ng Red Notice laban kay Roque.

--Ads--

Ayon sa DILG, patuloy nilang mino-monitor ang proseso at nakahandang kumilos sakaling magpalabas ng Red Notice ang Interpol.