--Ads--

Sinimulan na ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang distribusyon ng mga election paraphernalia sa 54 polling precinct sa Lungsod ng Cauayan.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Automated Counting Machines (ACMs) Ballot Boxes, Indelible ink at iba pang mga kagamitan na kinakailangan sa halalan.

Matapos ang distribusyon ay agad na sinimulan ang Final Testing and Sealing sa mga election paraphernalia na pinangunahan ng kawani ng Comelec.

Tiniyak naman ng kapulisan at Public Order and Safety Division (POSD) ang mga seguridad dahil mula sa tanggapan ng Comelec hanggang sa mga Polling Precints ay nakabantay ang mga ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

--Ads--

Handa naman ang Comelec Cauayan sa ano mang posibleng aberya na mangyari ngayong magsasagawa ng Final Testing and Sealing (FTS)

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer, sinabi niya na may 18 contingency na ACM na nakatago sa kanilang opisina at ilalabas lamang ito sakaling magka problema sa ilang ACM.

Personal naman niyang binisita ang mga polling centers sa Lungsod ng na nagsasagawa ng FTS kasama ang mga DESO technician support at electoral board upang pangunahan at I-supervise ang aktibidad.

Nag request din ang kanilang tanggapan ng 108 PNP personnel ang Comelec na maiiwan sa polling centers para magbantay ng mga gagamitin sa halalan.

Tinitiyak naman ng Comelec na naka selyo o sealed lahat ng kagamitan upang hindi magka problema.