--Ads--

Makulay at masayang sinalubong ang pagbubukas ng Christmas season celebration na may temang “Sweet Wonders of Christmas” sa isang malaking mall sa Cauayan City nitong gabi ng Oktubre 20, 2026.

Tampok sa okasyon ang makukulay na Christmas display at mga palabas mula sa mga bata at mga bata sa puso. Naghatid din ng saya sa mga dumalong pamilya at kabataan ang mga paboritong mascot na nakiisa sa pagdiriwang.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni City Mayor Jaycee Dy, kasama ang mga opisyal at konsehal ng lungsod.

Samantala, hinikayat naman ni Mall Manager Philip Baysac ang mga Cauayeño, magkakaibigan at pamilya na bumisita sa mall upang mag-enjoy, magpa-picture sa mga Christmas display at sama-samang damhin ang diwa ng Kapaskuhan.

--Ads--