--Ads--

Sapat ang suplay ng bigas sa mga tindahan sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa kabila ng pabago-bagong presyo ng iba’t ibang uri nito, habang inaasahan naman ang pagdami ng mga mamimili sa mga susunod na linggo dahil sa nalalapit na Kapaskuhan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gilbert Natividad, rice store personnel ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT, sinabi nitong nakararanas sila ng pagtaas at pagbaba sa presyo ng kanilang mga paninda.

Gayunman, tiniyak ni Natividad na sapat ang kanilang suplay sa ngayon at wala silang nararanasang problema sa pagkuha ng mga produkto upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga customer.

Karamihan sa kanilang suplay ay nagmumula sa Isabela, habang mayroon ding nagmumula sa Nueva Vizcaya, Nueva Ecija at Bulacan.

--Ads--

Inaasahan naman ang pagdami ng mga mamimili sa mga susunod na linggo kasabay ng paghahanda ng publiko para sa Kapaskuhan.