--Ads--

Kinumpirma ng Department of Energy na nakakuha sila, katuwang ang Philippine National Oil Company, ng karagdagang 21,000 metric tons ng LPG supply.

Ayon sa DOE, inangkat ang naturang suplay mula sa United States at inaasahang darating sa Batangas sa pagitan ng Mayo 20 hanggang 31.

Sinabi ng ahensya na makakatulong ang bagong shipment upang mapalakas ang imbentaryo ng LPG sa bansa.

Tiniyak din ng DOE na nagpapatuloy ang kanilang paghahanap ng iba pang mapagkukunan ng LPG upang masiguro ang matatag na suplay sa Pilipinas.

--Ads--