--Ads--
Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na siguraduhing ligtas ang paggunita sa Semana Santa.
Hinimok ng DOH ang lahat na umiwas sa anumang sakit o sakuna na maaaring mangyari sa kanilang mga mahal sa buhay sa panahong ito.
Naglabas din ang ahensya ng mga paalala para sa mga bibiyahe, lalo na sa mga planong magsagawa ng Visita Iglesia, kabilang ang maayos na paghahanda ng mga dadalhing gamit.
Kabilang sa mga inirerekomendang dalhin ay payong, snacks, paracetamol, insect repellent, mask, pamaypay, ekstrang damit, alcohol, at tubig upang makaiwas sa karamdaman.
--Ads--
Pinapayuhan din ang publiko na agad tumawag sa National Emergency Hotline 911 kung mangangailangan ng tulong.











