Naniniwala si DOH undersecretary Dr. Glenn Mathew Baggao na sapat ang mga programa ng pamahalaan para sa mamamayang Pilipino
Sa kabila ito ng isyu tungkol sa Philhealth na hindi pa nabibigyan ng budget mula sa gobyerno.
Ayon kay USEC, may iba pang mga healthcare services ang pamahalaan para sa mga kababayan nating nangangailangan.
Kabilang dito ay ang Medical Assistance For Indigenous People, MALASAKIT at mga dedicated fund sa mga government officials para sa mga medical aid ng kanilang nasasakupan.
Sa isinagawang Groundbreaking Ceremony ngayong araw ng isang.pribadong Ospital dito sa lalawigan, naging panauhing pangdangal si USEC Baggao kung saan tinalakay ang iba’t ibang usapin na may kinalaman sa kalusugan.
Dito rin niya tiniyak na walang dapat ikabahala ang publiko dahil hindi lang sa Philhealth maaring makakuha ng tulong ang mga kababayan natin.