--Ads--

Inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtaas ng pamasahe sa mga jeepney dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sanhi ng tensyon sa Middle East.

Inanunsiyo ito ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez noong Martes, Marso 17.

Ayon sa anunsiyo, tataas ng P1 ang pamasahe sa tradisyunal na jeepney, kaya ang bagong base fare ay magiging P14.

Samantala, P2 naman ang dagdag sa modern jeepney, na itataas ang base fare nito sa P17.

--Ads--

Ipinabatid ni Lopez na magkakabisa ang bagong pasahe sa Huwebes, Marso 19.