--Ads--

Inanunsyo ni Energy Secretary Janet Garin na magkakaroon ng double-digit rollback sa presyo ng diesel at kerosene simula Martes, Abril 28 hanggang Mayo 4. Ayon sa Department of Energy (DOE), inaasahang bababa ng ₱12.94 kada litro ang diesel at ₱15.71 kada litro ang kerosene.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay tataas ng ₱0.53 kada litro.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng rollback matapos ang serye ng oil price hikes na nagsimula noong Pebrero 28 dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Matatandaan na nitong Abril 14 ipinatupad ang unang rollback na nagbawas ng ₱20.89 kada litro sa diesel na sinundan pa ng panibagong rollback noong Abril 21 na ₱24.94 kada litro.

--Ads--

Samantala, Ibinahagi ni Garin na may sapat na reserbang langis ang bansa na tatagal ng 54 na araw batay sa datos noong Abril 24.

Ayon sa DOE, patuloy nilang binabantayan ang galaw ng pandaigdigang merkado ng langis at ang lokal na supply upang matiyak na maayos na naipapatupad ang mga price adjustments.