--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang tsuper makaraang magulungan ng kanyang minamanehong dump truck sa Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Ang biktima ay si Jhun jhun Tutatan, 39 anyos , may-asawa, tsuper at residente ng Brgy. Flores , Naguillian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng tawag ang Reina Mercedes Police Station mula sa pinagtatrabahuan ng biktima na Irene Grains Center.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktimang si Tutatan ay kasalukuyang inaayos ang kanyang minamanehong dump truck.

--Ads--

Habang nasa proseso ng pag-aayos ng dump truck ang biktima ay biglang gumalaw ang sasakyan sanhi para masagasaan si Tutatan.

Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay.