--Ads--

CAUAYAN CITY –  Nasawi ang isang tsuper  matapos aksidenteng sumabit sa kawad ng kuryente ang  minamaniobrang  cargo crane sa Batal, Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Rodel Yadao, 34 anyos at residente ng Minuri, Jones, Isabela.

Sa imbestigasyon  ng Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO), sumabit sa kawad ng kuryente ang bahagi ng cargo crane na naging sanhi ng kanyang pagkakuryente at pagkahulog mula sa sasakyan na dahilan ng kanyang agad na  pagkasawi.

Sumabog pa ang dalawa  gulong sa harapan ng cargo crane dahil sa malakas na boltahe ng koryente.

--Ads--

Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at walang nakitang foul play sa nasabing pangyayari.