--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang drug surenderer matapos pagbabarilin sa Brgy. San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Arnold Santos, 42 anyos, hiwalay sa asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Jennifer Flores, hepe ng Bagabag Police Station, ang biktimang si Santos ay pinagbabaril ng hindi pa matukoy na bilang ng armadong kalalakihan habang nagkakape sa salas ng kanilang bahay.

Nagulat na lamang umano ang kanyang live-in partner nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at nang kanyang tignan ay dito nakitang nakahandusay at duguan si Santos.

--Ads--

Ayon pa kay Chief Insp. Flores mistulang labis ang galit ng pumaslang sa biktima dahil karamihan sa tama nito ay sa kanyang ulo na sanhi ng agaran nitong kamatayani.

Nakuha sa crime scene ang 17 basyo ng bala at limang tingga ng bala ng 9mm pistol at Cal. 45.

Sa ngayon ay hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima subalit kanilang tinitignan ang nauna ng pagbaril sa kanya nuong Agosto, 2016 kung may kaugnayan ito sa pagbaril patay sa kanya.