--Ads--

Magsasagawa ng isang linggong pagkilos ang Duterte Panagutin Europe Network sa Netherlands kasabay ng confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kaso nitong crimes against humanities.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Patricia Enrique, convenor ng nasabing grupo, sinabi niya na tatawagin nila itong “Bantay Katarungan” week kung saan mayroong iba’t ibang mga aktibidad na nakalatag upang magbigay suporta sa mga biktima na sisimulan bukas, Pebrero 23.

Kabilang sa mga aktibidad na nakahanay ay ang pag-o-organisa ng Press Conference, misa, at protesta na kasama ang mga pamilya at tagasuporta ng mga biktima ng Extra Judicial Killings (EJK).

Aniya, bagama’t mayroon ding isinasagawang sariling pagkilos ang mga tagasuporta ni Durterte ay hindi naman ito magiging hadlang sa kanilang grupo upang ipahayag ang kanilang hangarin na mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga EJK victims.

--Ads--

Umaasa si Enriquez na unti-unting mamumulat ang mga Pilipino sa katotohanang nakabase sa ebidensiya at bukas naman ang kanilang grupo na tanggapin kung sinomang nais sumali sa kanilang grupo.