Posibleng ibaba ng economic managers ng administrasyong Marcos ang target na paglago ng ekonomiya ng bansa para sa 2026 dahil sa mababang paggastos ng gobyerno, pagkaantala ng mga proyektong imprastraktura, at patuloy na pressure sa inflation.
Ayon kay Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, inaasahang aabot na lamang sa 3.5% hanggang 4.5% ang GDP growth target ng bansa sa 2026, kasunod ng mas mahinang 2.8% na paglago sa unang quarter.
Isa sa pangunahing dahilan ng pagbagal ay ang underspending ng pamahalaan, lalo na sa mga proyekto sa imprastraktura, na pinalala pa ng mga pagkaantala matapos ang mga isyu sa flood control projects.
Umaasa ang gobyerno na babawi ang ekonomiya sa ikalawang kalahati ng taon, habang patuloy na tinutugunan ang inflation at mga epekto ng pandaigdigang krisis.








