--Ads--

Isinusulong ng Electric Vehicle Association of the Philippines o EVAP ang pagpapalawig hanggang 2040 ng fiscal at non-fiscal incentives para sa electric vehicles o EVs.

Layunin nitong suportahan ang mas malawak na paggamit ng EVs at makatulong sa target ng pamahalaan na umabot sa 50% ng lahat ng sasakyan sa bansa ang pinapagana ng kuryente pagsapit ng 2040.

Ayon kay EVAP Vice President Carla Buencamino, mahalaga ang patuloy na suporta ng gobyerno upang mahikayat ang mas maraming Pilipino na gumamit ng EVs.

Sa ilalim ng kasalukuyang polisiya, zero tariff ang ilang uri ng EV hanggang 2028, habang may mga diskwento at iba pang benepisyo para sa EV users hanggang 2030.

--Ads--

Samantala, mahigit 38,000 EV units ang naibenta mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, higit doble sa 16,195 units na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.