Opisyal nang naitala si Elon Musk bilang unang trillionaire sa mundo kasunod ng pagsirit ng valuation ng SpaceX matapos ang pinakamalaking stock market debut ng kumpanya.
Ayon sa Bloomberg Billionaires Index, umabot na sa $1.11 trilyon ang kabuuang net worth ni Musk, dahilan upang mapanatili niya ang posisyon bilang pinakamayamang tao sa mundo.
Na-engganyo ang mga mamumuhunan sa pag-lista ng SpaceX sa Nasdaq, kung saan tinatayang nasa $2.2 trilyon ang halaga nito. Nagsimula ang trading sa $150 kada bahagi at pansamantalang umakyat sa $176.50 bago magsara sa humigit-kumulang $161.
Nakapagtaas din ang initial public offering ng SpaceX ng humigit-kumulang $75 bilyon mula sa mga investor at underwriter.
Ayon sa ulat, may 42% ownership stake si Musk sa SpaceX na nagbibigay sa kanya ng malaking kontrol sa operasyon at direksyon ng kumpanya.
Malaki rin ang kanyang hawak na investments sa Tesla, na patuloy na nakadadagdag sa kanyang kabuuang yaman.





