--Ads--

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang pagbisita sa Pilipinas ng bilyonaryong negosyanteng si Elon Musk nitong Miyerkules, Nobyembre 18.

Ayon kay Romualdez, dumating si Musk sa Maynila sakay ng kaniyang pribadong eroplano dakong alas-11:30 ng umaga. Posible rin umanong may isa o dalawang isla sa bansa na pinauunlad ang negosyante.

Binigyang-diin naman ni Romualdez na hindi isusuko ng pamahalaan ang interes ng bansa kaugnay ng planong kasunduan sa Estados Unidos sa ilalim ng Pax Silica initiative.

Tiniyak niyang kailangang mapakinabangan ng Pilipinas ang naturang kasunduan at magiging malinaw at transparent ang pamahalaan sa mga detalye nito.

--Ads--

Wala pa umanong agarang pangangailangang lagdaan ang kasunduan, bagama’t nais itong maisakatuparan dahil sa inaasahang pakinabang nito sa bansa.

Nilinaw din ni Romualdez na isang semiconductor manufacturing hub, at hindi data centers, ang planong itayo sa Capas, Tarlac.