--Ads--
Kinumpirma ni US President Donald Trump na naglunsad ng pag-atake ang Amerika kasama ang Israel sa Iran ngayong araw ng Sabado, Pebrero 28.
Ayon kay President Trump, sinimulan nang isagawa ang “major combat operations” sa Iran.
Inihayag naman ni Israeli Defense Minister Israel Katz na naglunsad ang kanilang bansa ng pre-emptive attack sa Tehran kasabay ng pagkumpirma ng Israel military na gumanti ng pag-atake ang Iran.
Ang pag-atake sa Iran ay sa gitna ng pag-igting pa ng pressure ng Estados Unidos sa Tehran para pumayag sa bagong kasunduan sa nuclear programme.
--Ads--
Nitong biyernes, inihayag ni US President Trump na hindi siya masaya sa naging resulta ng negosasyon nila ng bansang Iran sa idinaos ng nuclear talks.











