--Ads--

Nagsagawa ang Eunlad Marketing Cooperative ng orientation para sa programang Agri-Kita Contract Farming sa Santiago City bilang bahagi ng pagpapalawak ng suportang pinansyal at agricultural input assistance para sa mga magsasaka sa Isabela.

Ayon kay Ginoong Yuan Saligumba, chairman ng kooperatiba, magbibigay sila ng tig-₱60,000 cash assistance na maaaring gamitin sa land preparation, pagbili ng farm inputs, at iba pang gastusin sa produksyon.

Layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng agricultural inputs, partikular ng abono.

Kabilang din sa inisyatiba ang pamamahagi ng fertilizer na maaaring bayaran pagkatapos ng anihan nang walang interes, gayundin ang pagsuporta sa Agri-Puhunan at Pantawid Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

--Ads--

Target ng programa na maabot ang humigit-kumulang 20,000 magsasaka sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Isabela, kabilang ang Santiago City, Cauayan City, Echague, Ramon, Roxas, San Manuel, at Cordon.

Ayon kay Saligumba, ito ang kauna-unahang ganitong uri ng contract farming initiative sa lalawigan na direktang nagbibigay ng puhunan at suporta sa mga magsasaka.