--Ads--

Inilagay sa infirmary ng Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas si dating House Speaker Martin Romualdez matapos siyang ilipat mula sa Philippine General Hospital nitong Lunes ng gabi, Setyembre 14.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, isinailalim si Romualdez sa medical monitoring kasama ng iba pang persons deprived of liberty o PDL dahil sa kanyang medical needs at mga rekomendasyon sa korte.

Tiniyak ng BJMP na alinsunod sa kanilang polisiya ang naturang arrangement at walang ibinibigay na espesyal na pribilehiyo kay Romualdez.

Inilagay siya sa kustodiya ng QC Jail matapos ideklara ng mga doktor ng PGH na clinically stable siya at hindi na nangangailangan ng patuloy na hospital confinement.

--Ads--

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y kickbacks mula sa mga proyekto ng gobyerno. Itinakda ang kanyang arraignment at pre-trial sa Setyembre 16, alas-8:30 ng umaga.

Itinanggi naman ni Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya at iginiit na haharapin niya ang kaso sa korte.