--Ads--

Patuloy ang isinasagawang Final Briefing at refresher training ng Commission on Elections (Comelec) sa Poll Workers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer ng Comelec Santiago City, sinabi niya na layunin nito paalalahanan at I-brief ang mga electoral board members kaugnay sa mga panibagong panuntunan na ibinababa ng Comelec maging ang mga measures na kailangang gawin kung sakali mang magkaroon ng aberya sa halalan.

Kasalukuyan na rin nilang bineberipika ang listahan ng mga watchers na isinumite ng mga partido sa Lungsod ng Santiago upang matukoy kung sila ay botante ng Santiago City.

Matapos beripikahin ay mag-iisue sila ng Identification Card (ID) ng mga watchers na galing mismo sa tanggapan ng Comelec.

--Ads--

Mag-uumpisa na rin silang mag-distribute ng mga Automated Counting Machines (ACMs) sa ika-3 ng mayo sa mga Voting centers bilang paghahanda sa Final Testing and Sealing sa Mayo 5.

Kapag tapos na ang distribution ay 24/7 itong babantayan ng mga kapulisan upang matiyak na walang gagalaw sa mga ito.