Bumaba ang naitalang focus crimes sa buong bansa sa panahon ng Abril 1 hanggang 30 sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), umabot sa halos 4,000 ang kaso noong 2024, bumaba sa mahigit 3,000 noong 2025, at lalo pang bumaba sa higit 2,000 ngayong 2026.
Ayon kay Jose Melencio Nartatez Jr., bagama’t may ilang krimen na tumaas, makikita sa kabuuan na bumaba pa rin ang bilang kumpara sa mga nakaraang taon.
Kabilang sa tinutukoy na focus crimes ang murder, homicide, rape at carnapping.
Sinabi ng PNP na nakatulong sa pagbaba ng krimen ang ipinatupad na safer cities initiatives na sinimulan noong Abril.
Tiniyak din ng PNP na magpapatuloy ang kanilang pagpapatrolya at iba pang operasyon upang lalo pang mapababa ang krimen sa bansa.











