Inaasahang lalago ng humigit-kumulang 5 porsyento ngayong taon ang sektor ng food and beverage manufacturing sa Pilipinas, dulot ng matatag na performance ng mga pangunahing manufacturer, ayon sa ulat ng US Department of Agriculture (USDA).
Ayon sa ulat ng Foreign Agricultural Service (FAS) Manila, susuporta sa paglago ng industriya ang patuloy na pagpapalawak ng food manufacturing at mga hakbang ng gobyerno upang mapagaan ang gastos sa logistics at fuel.
Kasama sa mga hakbang na ito ang suspensiyon ng mga port at toll fees, subsidiya para sa mga driver ng pampublikong transportasyon, pagmamanman sa presyo ng gasolina at mga bilihin, at pagpapatupad ng excise tax sa mga kompanya ng gasolina.
Bagama’t tumataas ang gastos sa kuryente, logistics, at raw materials, inaasahang tataas pa rin ang benta ng mga pangunahing food and beverage manufacturers, ayon sa ulat.
Gayunman, binanggit din ng FAS ang ilang hamon sa sektor, kabilang ang pagtaas ng production costs, inflation sa presyo ng pagkain, at pagbaba ng remittances mula sa mga overseas Filipino workers, na maaaring makaapekto sa budget ng mga pamilya at consumer spending.
Dagdag pa ng ulat, nagbabago rin ang kagustuhan ng mga mamimili, kaya’t naaapektuhan ang product development sa sektor. Lumalakas ang demand para sa natural at masustansiyang sangkap, tulad ng whole grains, nuts at seeds, legumes, at mga mas kaunting processed na snacks at inumin.
Tumaas din ang interes sa mga produktong may mataas na protina gaya ng gatas at energy drinks, pati na rin sa mga functional ingredients na may benepisyo sa kalusugan. Pati ang low-sugar, vegan, plant-based, at non-dairy options ay dumarami ang interes






