Sinabi ni dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na nakatanggap umano ng P150 milyon mula sa China ang foundation na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, habang mahigit P319 milyon naman umano ang pumasok sa kumpanyang inuugnay sa kaniyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio.
Ayon kay Trillanes, may mga implikasyon umano sa national security ang pagtanggap ng pondo mula sa isang dayuhang pamahalaan, lalo na kung sangkot ang isang mataas na opisyal ng bansa.
Sinabi ni Trillanes na mahigit P319 milyon umano ang pumasok sa Cale88 Foods Corp. na inuugnay kay Carpio, habang P150 milyon naman umano ang natanggap ng Tapang at Malasakit Foundation ni Duterte mula sa mga government entity at korporasyon sa China.
Sa hiwalay na proceedings ng impeachment trial, iniulat na kabilang sa mga financial records na ipinasa ng Anti-Money Laundering Council sa Senate Impeachment Court ang mga inward remittance sa Cale88 Foods Corp. mula sa China at iba pang bansa.






