--Ads--
Nagtala ang France ng pinakamainit nitong araw sa kasaysayan, habang patuloy na nararanasan ng Europa ang matinding heat wave.
Dahil sa matinding init, nilimitahan ang oras ng pagbisita sa mga sikat na pasyalan gaya ng Eiffel Tower at Louvre Museum, habang naapektuhan din ang klase at transportasyon sa ilang lugar.
Naglabas naman ng red alert ang mga awtoridad sa France, United Kingdom at Spain dahil sa panganib na dulot ng matinding init sa milyun-milyong residente.
Ayon sa weather service ng France, posibleng magpatuloy ang heat wave hanggang weekend at makapagtala pa ng panibagong temperature records. Iniuugnay ng mga eksperto ang mas madalas at mas matitinding heat wave sa epekto ng climate change.
--Ads--











