--Ads--

Masayang ibinahagi ni Binibining Santiago 2026 Precious Mae Divina ang naging journey niya para makuha ang korona sa katatapos na patimpalak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Precious Mae Divina, ang bagong Binibining Santiago 2026, sinabi niya na unang umusbong ang pangarap niya sa pageantry nang makapanood siya ng Binibining Pilipinas sa TV.

Sa katunayan, aniya, 2018 ang huli niyang sabak sa pageant kaya talagang kinabahan siya. Gayunman, desidido siyang maiuwi ang korona.

Isa sa naging hamon para kay Bb. Divina ang schedule ng rehearsals at training ng Binibining Santiago na naitaon sa pagsisimula ng kaniyang Law School sa San Beda.

--Ads--

Makailang ulit siyang nagpabalik-balik sa probinsya para lamang makatuon ng oras sa kaniyang training. Bagamat mahirap, nagawa niyang mapagsabay ang pag-aaral at pag-training.

Sa kaniyang Q&A, isa sa nagibabaw ang adbokasiya niya para sa mga magsasaka o sa agrikultura. Ayon kay Bb. Divina, mula pagkabata ay nakita na niya kung gaano kahirap ang maging magsasaka. Nang siya ay mapadpad sa siyudad ng Maynila, nakita niya kung gaano kabilis ang progreso. Kaya sa pamamagitan ng kaniyang titulo bilang Binibining Santiago 2026, umaasa siyang maibabahagi niya sa mga Santiagueño ang lahat ng kaniyang natutunan habang siya ay nag-aaral.

Nais din niyang gamitin ang teknolohiya bilang platform para sa mga magsasaka upang makapag-showcase ng kanilang produkto, mas mapalawak ang kanilang market, at magkaroon ng mas maraming oportunidad.