--Ads--

Mas mabilis ang paglaki ng utang ng mga Pilipino kaysa sa kanilang kita, ayon sa Financial Stability Coordination Council (FSCC), na nagbabala na maaaring magdulot ito ng mas mataas na panganib sa mga sambahayan at sa sistemang pampinansyal ng bansa.

Sa ulat nitong 2025, sinabi ng FSCC na lumago ng average na 15.7 % kada taon ang retail loans mula 2021 hanggang 2025, habang umabot naman sa 27.7 % ang pagtaas ng unsecured loans gaya ng credit card at salary loans. Sa parehong panahon, 5.8 % lamang ang naging paglago ng kita ng mga kabahayan.

Ayon sa konseho, ang patuloy na pagtaas ng unsecured consumer debt ay maaaring magpahina sa kakayahan ng mga pamilya na makayanan ang mga economic shock kung hindi mababantayan. Gayunman, nananatiling manageable ang mga panganib dahil sa mas mahigpit na credit risk management ng mga bangko at sa patuloy na pagbabayad ng karamihan sa mga nangungutang.

Nasa halos ₱2 trilyon na ang kabuuang consumer loans ng malalaking bangko noong Abril, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

--Ads--