--Ads--

Hindi inaasahang tataas ang presyo ng 204 pangunahing bilihin na minomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) hanggang Disyembre 31, 2026, kasunod ng kasunduan sa mga manufacturer at retailer.

Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Roque, pananatilihing matatag ang presyo sa kabila ng implasyon, paghina ng piso at pabago-bagong presyo ng enerhiya.

Kabilang sa mga saklaw ang de-lata, gatas, tinapay, noodles, sabon at iba pang pangunahing produkto. Tiniyak din ng DTI na sapat ang suplay ng mga ito kaya hindi kailangang mag-panic buying o mag-imbak nang sobra.

Gayunman, hindi saklaw ng kasunduan ang mga produktong karaniwang inihahanda para sa Noche Buena.

--Ads--