--Ads--

Nagpahayag ng kahandaang tumestigo si dating Police Colonel Royina Garma bilang saksi sa paglilitis laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV, ang impormasyon ay mula sa kanilang grupo na unang nagbukas ng isyu ng extra-judicial killings sa Pilipinas sa ICC.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging laman ng testimonya ni Garma, ngunit matatandaang ibinunyag nito sa komite ng Kamara ang umano’y pagpapatupad ng “Davao Model,” isang sistemang naglalayong patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dagdag pa ni Trillanes, inaasahan ding haharap bilang mga testigo sa ICC sina Edgar Matobato at Arturo Lascañas.

--Ads--