--Ads--

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naganap na pagsabog sa harap ng NPS Gasoline Station sa Barangay Poblacion II kagabi, araw ng Sabado. ‎ ‎

Batay sa ulat ng Shariff Aguak Municipal Police Station, dakong alas-10:43 ng gabi nang makarinig ng malakas na pagsabog ang mga pulis na agad namang rumesponde sa lugar. ‎ ‎Pagdating sa pinangyarihan, nadiskubre ng responding personnel ang isang crater malapit sa entrada ng gasolinahan na pinaniniwalaang dulot ng pagsabog. ‎

‎Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente. ‎ ‎

Sa isinagawang imbestigasyon, lumabas sa CCTV footage na may dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal na sakay ng motorsiklo na nakita umanong paikot-ikot malapit sa lugar ilang sandali bago ang pagsabog at mabilis ding umalis matapos ang insidente. ‎

--Ads--

‎Agad namang naglatag ng dragnet checkpoint operations ang Philippine National Police katuwang ang Armed Forces of the Philippines upang matunton ang mga suspek. ‎ ‎

Nagsagawa rin ng hot pursuit operations ang Shariff Aguak MPS kasama ang PMFC at 44th Special Action Company habang inaasahang magsasagawa ng post-blast investigation ang bomb experts ng PECU-Maguindanao del Sur. ‎ ‎

Patuloy naman ang malalimang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa insidente.