CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang Ginang matapos na mabundol ng isang kotse sa Barangay Daramuangan sur, San Mateo, Isabela.
Batay sa pagsisiyasat ng Pulisya tumatawid sa kalsada ang biktimang si Rosalinda Labasan ng bigla siyang bumalik na naging sanhi para mabangga siya ng SUV na minamaneho ni Sonny Sari na residente ng San Isidro, Isabela.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at nagtamo ng pinsala sa katawan.
Inihayag ni Rowell Espiritu miyembro ng rerscue San Mateo na agad naman silang tumugon sa tawag , pagdating sa lugar ay naabutan nila na nakabulagta ang Ginang at ng suriin ay wala na itong pulso gayunman sinubukan nila itong isalba at dinala sa pagamutan kung saan siya idineklarang Dead on Arrival ng Attending Physician.
Sa ngayon ay posibleng magkaroon ng pag-uusap ang tsuper ng SUV at kaanak ng biktima para aregluhin ang insidente na hindi naman umano nila kagustuhan.











