--Ads--

Inanunsyo ng aktres na si Glaiza De Castro ang kaniyang pagbubuntis sa kanilang unang anak ng asawang si David Rainey.

Sa social media post ng aktres, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang baby bump at sinabi na nakalampas na siya sa unang trimester ng kanyang pagbubuntis.

Ayon kay De Castro, malaking tulong ang pakikipag-usap sa iba pang mga kababaihan at mga ina habang pinagdaraanan niya ang kanyang paglalakbay bilang first-time mom.

Sinabi rin ng aktres na mas lalo niyang hinangaan ang mga ina matapos maranasan ang mga hamon ng pagbubuntis.

--Ads--

Samantala, bumuhos ang pagbati mula sa kanyang mga kapwa artista kabilang sina Rochelle Pangilinan, Yasmin Curdi, Nadine Samonte, Edgar Allan Guzman, Ruru Madrid at Iya Villania.

Si De Castro at ang Irish businessman na si Rainey ay unang ikinasal sa Ireland noong 2021 bago muling magdaos ng kasal sa Zambales noong 2023. Nagkakilala ang dalawa sa Siargao noong 2018.