--Ads--
Nagbigay ng pahiwatig si Viva Films producer Vic del Rosario Jr. tungkol sa pagbabalik sa trabaho ni Sarah Geronimo matapos tanungin sa matagal nang usap-usapang pagbubuntis ng singer-actress.
Ayon kay Del Rosario, hindi pa umano makakabalik sa trabaho si Sarah sa ngayon at sa susunod na taon pa ito muling gagawa ng proyekto.
Hindi naman direktang kinumpirma ng producer ang mga ulat tungkol sa pagbubuntis ni Sarah sa asawang si Matteo Guidicelli.
Samantala, sinabi rin ni Del Rosario na walang naging alitan sina Sarah at ina nitong si Divine Geronimo at naniniwala siyang maaayos ang lahat sa tamang panahon.
--Ads--









