--Ads--

CAUAYAN CITY – Pabor si Gov. Rodito Albano sa naging mungkahi ni Gov. Manuel Mamba ng Cagayan na work from home muna ang mga taga-Isabela na nagtatrabaho sa mga national agencies sa Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Albano, sinabi niya na maganda ang nasabing panukala basta payagan ang mga empleado ng kanilang mga department head.

Bukod dito ay dapat walang pagbabago sa kanilang sahod.

Sinabi ni Gov. Albano na ipinapayo na rin niya ito sa Panlalawigang Kapitolyo kung kakayanin at magkaroon na rin ng skeletal force.

--Ads--

Kung sa mga pribadong kumpanya naman ay ayaw niyang makialam sa pagpapatupad nila ng kanilang mga protocols dahil nalulugi na sila.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano ng Isabela.