--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang isang menor de edad na hinihinalang nalunod sa Cagayan River na nasasakupan ng Barangay Fugo Abajo, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Tumauini Police Station ang pinaghahanap ay si Shery Mae Acaso, Grade 10 student na residente ng nabanggit na barangay .

Hinihinalang nalunod ang biktima habang nangunguha ng panggatong sa gilid ng ilog ngunit biglang nawalan ng balan-se at napunta sa malalim na bahagi ng ilog

Tinangkang sagipin ang biktima ng kanyang kasama na si Jennelyn Lacasga, 14 anyos ngunit dahil sa malalim ang tubig ay parehong lumubog ang mga biktima.

--Ads--

Tumulong naman ang kasama pa nila na si Janice Lacasga,38 anyos upang sagipin ang dalawa ngunit natangay ang tatlo ng malakas na agos ng ilog.

Bagamat malakas ang agos at malalim ang tubig ay nagawang makaligtas nina Jennelyn Lacasga at Janice Lacasga habang patuloy na pinaghahanap si Acaso.