--Ads--

Dinakip ang isang guro sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng anim (6) na bilang ng kasong child abuse sa Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela.


Kinilala ang suspek na si alyas “Jojo,” 33-anyos na tinaguriang No. 4 Municipal Most Wanted, may asawa at residente ng nasabing bayan.


Ayon sa pulisya, isinilbi ang warrant na inilabas ng RTC Cauayan City na may inirekomendang piyansang ₱180,000 bawat kaso.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Alicia Police Station ang suspek at nakatakdang iharap sa korte para sa susunod na pagdinig.

--Ads--