--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang glass aluminum installer matapos ang matagumpay na anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Castillo, Echague, Isabela

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Echague Police Station ang suspek ay 24-anyos na lalaki, binata, glass aluminum installer at residente ng Purok 1, Brgy. Daligan, Jones, Isabela

Sa pinagsanib na pwersa ng Echague Municipal Police Station, PDEU-IPPO, at RMU2 ay nagresulta ang operasyon upang masamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 5.4 grams na siyang buy bust item, isang piraso ng heat- sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang naman ng humigit kumulang 5.8 grams.

Nasamsam din sa pag-iingat ng suspek ang ilang halaga ng pera at ibang mga non-drug items.

--Ads--

Tinatayang nasa 76,160 pesos ang halaga ng nasamsam na droga mula sa suspek.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng Echague Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.