--Ads--

Nanawagan ang Saudi Arabia ngayong Martes, na mapahupa ang tensyon sa Middle East kasunod ng panibagong palitan ng pag-atake ng Iran at Estados Unidos.

Ayon sa pahayag ng Ministry of Foreign Affairs ng Saudi Arabia, ipinahayag nito ang pag-aalala sa umiigting na military escalation sa rehiyon at nanawagan ng agarang de-escalation.

Sinabi rin ng foreign ministry na sinusuportahan nito ang mga diplomatikong hakbang upang makamit ang isang pampulitikang solusyon sa patuloy na kaguluhan sa rehiyon.