--Ads--

Tubamabo na ang “Hello, Love, Again” na pinag bidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng   P1-bilyon na kita matapos itong maging box office hit sa Piilipinas maging sa ibang bansa.

Sampung araw matapos itong buksan sa mga sinehan, inanunsyo ng ABS-CBN Films nna ang romantic drama film ay kumita ng P1.06 billion sa worldwide box office, simula noong Nov. 23.

Ang sequel ay record breaking sa takilya mula nang ilabas ito. noong Nov. 13, nakakuha ito ng pinakamalaking unang araw na benta ng ticket na P85 milyon at nakamit ang pinakamataas na single-day gross na P131 milyon noong Nob. 16.

Nakapasok din ito sa US Top 10 box office sa No. 8 at naging highest-grossing Filipino movie of all time noong Nob. 22, na nagpatalsik sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, “Rewind,” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na kumita ng P924 milyon.

--Ads--