--Ads--

Inanunsyo ng White House na “terminated” o tapos na ang giyera sa Iran matapos maabot nito ang itinakdang deadline ng araw ng pagtatapos ng digmaan nitong Biyernes (araw sa Amerika).

Sa ilalim kasi ng 1973 U.S. War Powers Resolution, itinuturing tapos na ang 60-araw na palugid ng Kongreso para payagan ang Pangulo ng Amerika na magsagawa ng military operations nang walang pahintulot mula rito maliban kung ito ay pahahabain o aaprubahan ng lehislatura.

Kung maaalala nagsimulang atakihin ng U.S. at Israel ang Iran noong Pebrero 28, 2026, dalawang buwan mula ngayon.


Gayunpaman, para sa mga Democrats tulad ni Senator Jeanne Shaheen ng New Hampshire, walang nakasaad sa batas na nagbibigay ng basehan para ideklarang tapos na ang ‘hostilities’ kung patuloy ang presensya ng pwersa ng militar sa rehiyon.

--Ads--

Dagdag pa niya, hindi pa rin talaga tapos ang gulo dahil hanggang ngayon, may mga barko pa rin daw ang U.S. na nagbabantay at humaharang sa oil exports ng Iran.

Ayon pa sa Democrat on the Senate Foreign Relations Committee lampas na sa 60-araw ang giyera sa Gitnang Silangan at dapat may malinaw nang plano si U.S. President Donald Trump kung papaano ito tatapusin.

Sa kabila ng kontrobersiya, halos buong Republican bloc sa Kongreso ang patuloy na sumusuporta sa administrasyon ni Trump at tumututol sa mga panukalang magpapahinto sa operasyon sa rehiyon.

Sa ngayon ‘wala pang tugon dito si Trump kung maghahain ba sila ng bagong military justification upang magsimula muli ng 60-araw na countdown o kung ipagpapatuloy parin ang operasyon.