--Ads--

Isang higanteng bato na tinatayang sampung libong taon na ang edad ang matatagpuan sa loob ng isang supermarket sa Haabneeme, Estonia at dinarayo ng mga turista matapos itong ideklarang eligible for conservation status.

Ang dambuhalang bato ay natuklasan noong Set­yembre 2014 habang isinasagawa ang paghuhukay para sa pundasyon ng itatayong Viimsi Shopping Center.

Ang inisyal na plano ng mga developer ay pasabugin ang bato dahil sagabal ito sa konstruksyon.

Subalit, ang planong ito ay agad na tinutulan ng mga residente ng Haabneeme.

--Ads--

Kasunod ng kanilang pagtutol, kinumpirma ng geo­logists na ang naturang bato ay isang “erratic boulder”, isang geological remnants pa mula noong Ice Age na dapat na isailalim sa proteksiyon ng batas.

Dahil sa kumpirmasyong ito at sa paninindigan ng komunidad, binago ng mga developer ang disenyo ng gusali.

Sa halip na sirain, itinayo ang istruktura sa paligid ng bato, na naging dahilan upang ito ay maging perma­nenteng bahagi ng supermarket.

Sa kasalukuyan, ang sinaunang bato ay nagsisilbing isang natatanging atraksiyon sa loob ng commercial establishment, isang halimbawa na maaaring magsanib ng modern architecture at nature.

Maraming dayuhang turista ang nagtutungo sa supermarket para makita ang higanteng bato.