--Ads--

Nadagdagan ng dalawang bagong big bike ang mobility ng Highway Patrol Group (HPG) Isabela upang mas mapalakas ang kanilang pag-escort sa mga VIP at operasyon kontra carnapping.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Renoli Bagayao ng HPG isabela, sinabi niya na malaking tulong ang mga karagdagang motorsiklo sa kanilang hanay dahil maaari rin itong magamit sa araw-araw na anti-carnapping operations sa lalawigan.

Ayon kay PMaj. Bagayao, nagsasagawa rin sila ng daily joint checkpoint operations katuwang ang I-SMART ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) bilang tugon sa mga naitatalang vehicular accidents sa probinsya.

Layunin ng hakbang na ito na mapalakas ang presensya ng kapulisan sa mga pangunahing lansangan at mabawasan ang mga aksidente sa kalsada.

--Ads--

Binigyang-diin pa ni PMaj. Bagayao na patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba pang yunit ng pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan ng Isabela.