--Ads--

Nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, Marso 31.

Sa ipinatupad na adjustments kaninang alas-6 ng umaga, tumaas ang presyo ng gasolina ng P2.50 kada litro at diesel ng P12.50 kada litro sa UNIOIL. Sa SEAOIL, walang pagbabago sa gasolina ngunit tumaas ang diesel ng P12.50 kada litro at kerosene ng P2 kada litro. Samantala, sa PETROGAZZ ay tumaas din ang gasolina ng P2.50 kada litro at diesel ng P12.50 kada litro.

Samantala, nananatiling mabigat sa mga motorista ang doble-digit na pagtaas sa diesel, habang hindi pare-pareho ang galaw ng presyo ng gasolina depende sa kumpanya.

Ayon sa isang source, ang hindi pagtaas ng gasolina sa ilang kumpanya ay dulot ng mga senyales ng pagluwag ng tensyon sa Middle East. Gayunpaman, nananatiling mataas ang diesel dahil sa pangamba sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

--Ads--