--Ads--

Pinayagan ng International Criminal Court o ICC ang paggamit ng nakasulat na testimonya ng pangunahing testigong itinago sa alyas na “P-1100” sa kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga prosecutor, inilalarawan sa testimonya ni P-1100 ang umano’y polisiya na “i-neutralize” ang mga target na indibidwal, gayundin ang mga operasyon ng Davao Death Squad o DDS.

Itinuturing ng mga hukom na may kaugnayan sa kaso ang testimonya, partikular sa pagtalakay sa background ng mga krimeng iniuugnay sa kampanya kontra droga.

Para mapabilis ang paglilitis, pinayagan ng korte ang paggamit ng written statement ngunit binawasan mula dalawang oras sa isang oras ang oras na inilaan sa direktang pagtatanong ng prosekusyon kay P-1100, dahil itinuring na labis ang orihinal na kahilingan.

--Ads--

Limang ulat mula kay P-1100 ang tinanggap ng korte habang apat na iba pa ang hindi isinama. Binigyang-diin din ng mga hukom na dapat iwasan ng prosekusyon ang pagsusumite ng magkakapareho o limitado ang kaugnayan na ebidensya.

Ayon sa ICC, ang mga nakasulat na testimonya ay nagsisilbing karagdagan sa oral testimony at hindi pumapalit dito, kaya mananatili ang pagkakataon ng depensa na direktang mag-cross-examine kay P-1100 sa korte.