--Ads--

Gaganapin ngayong Miyerkules sa The Hague, Netherlands ang unang status conference ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity dahil sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.

Tatalakayin sa pagdinig ang iskedyul ng paglilitis, presentasyon ng ebidensya, proteksyon sa mga testigo, at partisipasyon ng mga biktima. Hindi personal na dadalo si Duterte matapos payagan ng korte ang kaniyang hiling na hindi humarap sa conference.

Irerepresent siya ng kaniyang bagong legal team na sina Peter Haynes at Kate Gibson. Inaasahang magtatagal ang pagdinig mula alas-3:30 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, oras sa Pilipinas.