--Ads--

Ililipat sa St. Peter’s Basilica ang labi ng yumaong Pope Francis sa Miyerkules ng alas-9:00 ng umaga para sa public viewing hanggang sa kanyang libing sa Sabado ng alas-10:00 ng umaga.

Pangungunahan ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean of the College of Cardinals ang funeral mass at makikiisa dito ang mga Patriarka, Kardinal, Arsobispo, Obispo, at mga pari mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay magtatapos sa Ultima commendatio at Valedictio, na siyang hudyat ng pagsisimula ng Novemdiales, o siyam na araw ng pagluluksa at mga Misa para sa kapahingahan ng kaluluwa ni Pope Francis.

Pagkatapos nito, ang labi ng yumaong Papa ay dadalhin sa loob ng St. Peter’s Basilica at pagkatapos ay dadalhin sa Basilika ng Santa Maria Maggiore para sa kanyang huling hantungan.

--Ads--

Sa Miyerkules, ang kabaong ni Pope Francis ay ilalabas mula sa kapilya ng Casa Santa Marta patungo sa Basilika ni San Pedro.

Si Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo of the Holy Roman Church, ang mamumuno sa rite of translation sa Abril 23, na magsisimula ng alas-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng isang panalangin.

Dadaan ang prusisyon sa Santa Marta Square at Square of the Roman Protomartyrs, pagkatapos, lalabas ang prusisyon sa Arch of the Bells papasok sa St. Peter’s Square at Vatican Basilica

Sa Altar of the Confession, ang Cardinal Camerlengo ang mangunguna sa Liturgiya ng Salita, at pagkatapos nito ay sisimulan na ang pagbisita sa labi ng Santo Papa.